4.8 lindol sa Samar

MANILA, Philippines - Niyanig ng may 4.8 magnitude na lindol ang baybayin ng Samar kahapon ng umaga.

Ang epicenter ng lindol ay naitala sa may 165 kilometro ng hilagang silangan ng Calbayog, Samar na may lalim na 53.3 kilometro ng karagatan.

Wala namang naita­lang tsunami kaugnay ng naganap na lindol dahil sa lokasyon at mahinang relativity ng naturang lindol.

Wala ring naiulat na naapektuhan dahil naganap ang pagyanig sa karagatan.

Show comments