All out war vs pekeng smoke test

MANILA, Philippines - Naglunsad ng all out war campaign ang Land Trans­portation Office (LTO) laban sa mga ma­ano­malyang private emission testing centers na nag-iisyu ng pekeng test certificates sa mga sasakyan na sasailalim sa smoke test.

Sinabi ni LTO Chief Virgie Torres na agad niyang ipa­­sasara ang sinumang private emission test centers na mahuhuling nagsasagawa ng non-appearance sa pagsuri ng usok ng mga sasakyan. Ang smoke test ay isang requirement sa pagrere­histro ng sasakyan.

Ayon kay Torres, ina­tasan na rin niya ang kan­yang mga bagong commissioned na lady traffic enforcers at male counterparts upang hulihin ang mga mauusok na sasak­yan na makikita sa lansa­ngan.

Suportado naman ng pangulo ng Private Emission Test Center Operators Association (PETCOA) na si Tony Halili ang hak­banging ito ni Torres.

Ani Halili, kaisa sila sa programa ng LTO na makilala ang mga PETCs na patuloy na nagsasa­gawa ng non-appearance practice sa kanilang ope­rasyon.

Show comments