Ex-Taguig mayor hahabulin ng Ombudsman
MANILA, Philippines - Hindi umano ligtas sa pagsisiyasat ng Ombudsman ang mga dating lokal na opisyal na may pananagutan dahil lamang naiba na ang mga ito ng puwesto.
Ito ang mariing paliwanag ni Assistant Om- budsman Jose de Jesus kaugnay ng kaso ni dating Taguig mayor Freddie Tinga na ngayon ay congressman ng 2nd district ng Taguig.
“Kung ginawa mo ang krimen sa oras na gumaganap ka ng tungkulin bilang opisyal ng gobyerno, ang office of the ombudsman ay may awtoridad na imbistigahan ka, litisin ka, at ipakulong ka,” pahayag ni de Jesus kaugnay sa reklamo ng kasalukuyang administrasyon ni Taguig City Mayor Maria Laarni Cayetano laban kay Tinga.
Nais ng kampo ni Cayetano na kahit congressman na ay mapanagot ang dating alkalde sa mga umano’y anomalyang kinasangkutan nito gaya ng overprice sa information technology at security contracts na halos kalahating bilyong piso, halos kalahating bilyong pisong kontrata sa basura, mga “midnight donations” sa mga kaalyadong barangay at iba pa.
Ayon kay Cayetano mamamayan at public service ang nasakripisyo matapos umanong ipamigay ang napakaraming gamit ng City hall na ilan ay iniwang sira o kulang-kulang ang ibang gamit.
Hindi na rin umano mahagilap maging ang mga baril na pag-mamay-ari ng Taguig City Hall.
Kinukuwestiyon din ni Cayetano ang mga umano’y midnight donations, midnight contracts and resolutions sa panahon ng nagdaang pamahalaan.
- Latest
- Trending