Binay may 'official residence' na

MANILA, Philippines - Binigyan na ng ‘go signal’ ni Pangulong Aquino na magkaroon ng official residence ang tang­gapan ng panga­lawang-pangulo ng bansa.

Pinahintulutan na ng Pa­ngulo ang kahilingan ni Vice-Pres. Jejomar Binay na gamitin bilang official OVP residence ang Coconut Palace na nasa CCP complex.

Samantala, sinabi din ni Binay na baka mataga­lan pa ang pag-alis ng high level team na magpupunta sa China at Hong Kong upang pormal na ipabatid ang IIRC report. Hihin­tayin pa nila ang direktiba ng Pangulo hing­gil dito bago umalis ang grupo na kan­yang pamumunuan.

Sa kabilang dako, inim­bitahan naman ng China si Pangulong Aquino para sa isang state visit kasunod ng naging imbi­tas­yon dito ng Vietnam.

Show comments