^

Bansa

Whistle-blowers nag-aaral nang humawak ng baril

- Ni Malou Escudero -

MANILA, Philippines - Dahil sa kabiguan ng gobyerno na mabigyan sila ng proteksyon, sinabi ni whistle-blower Sandra Cam na nag-aaral na sila ngayong gumamit ng baril.

Sa hearing kahapon ng Senate Committee on Justice ukol sa  Whistle-blower Protection Act, sinabi ni Cam na meron siyang kaibigan na naawa sa kanila kaya’t ibibili sila ng kalibre .45 na baril.

Umapela si Cam sa Philippine National Police na sana naman daw ay isyuhan sila ng lisensya at permit to carry firearms.

Una rito naglabas ng sama ng loob si Cam sa pagsasabing  sumulat na sila kina Pangulong Noynoy Aquino at Justice Secretary Leila de Lima pero hanggang sa ngayon ay walang aksyon sa kanilang mga hinaing na kakulangan ng proteksiyon.

Dalawang buwan na ang nakalilipas ay nag-apply umano sila Cam sa witness protection program ng DOJ pero “under evaluation” pa rin ito hangang sa ngayon kahit na inindorso  ng Senate Blue Ribbon committee ang kanilang aplikasyon.

DAHIL

DALAWANG

JUSTICE SECRETARY LEILA

PANGULONG NOYNOY AQUINO

PHILIPPINE NATIONAL POLICE

PROTECTION ACT

SANDRA CAM

SENATE BLUE RIBBON

SENATE COMMITTEE

SILA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with