Belgian executive 'guilty'
MANILA, Philippines - Ang may-ari ng Jan de Nul, ang Belgian dredging and construction company na kumakalaban sa Laguna Lake Rehabilitation Project, ay hinatulan ng ‘guilty’ sa corruption charges ng korte noong 2002.
Isang ulat mula sa De Standard na may petsang Enero 21, 2002 ang nagpapakita na si Jan De Nul, may-ari, at ang kanyang kapatid, si Dirk Nul, ay convicted ng Correctional Court sa Dendermonde dahil sa pagbibigay ng salapi sa isang tax inspector at pagpapatayo ng isang villa para sa inspector kapalit ng huling pagbabayad sa huwad na tax returns.
Ang naturang tax inspector ay hinatulan ding mabilanggo ng limang taon dahil sa pagtanggap ng suhol.
Si Jan de Nul, na noon ay 54-taong-gulang, at ang kanyang kapatid na 47-anyos lamang nang mahatulan, ay nauna nang ipiniit bago sila bigyan ng ‘suspended prison term” na tatlong taon.
Isang artikulong nalathala sa parehong pahayagan noong Enero 6, 2001 ang nagsasabing ang resulta ng imbestigasyon sa iskandalo ay nire-review “behind closed doors” ng mga awtoridad, kung saan ang “decision to prosecute” ay isinagawa noong Pebrero 9, 2001.
Kakatwa na ang mga Jan De Nul executives sa Pilipinas ay masigasig sa pagkontra sa P18.7-bilyong Laguna Lake Rehabilitation Project at sinasabing ang mga contractor ay walang funding support mula sa pamahalaan ng Belgium.
- Latest
- Trending