MANILA, Philippines - Namemeligrong maging isang ganap na bagyo ang isang sama ng panahon o low pressure area sa Mindanao.
Sinabi ni Elvie Enriquez, forecaster ng PAGASA, kapag naging bagyo ang naturang LPA, ito ay tatawaging Juan.
Kahapon ng umaga, ang sama ng panahon ay namataan sa layong 600 kilometro silangan ng Mindanao.
Bukod dito, patuloy anyang sinusubaybayan ng PAGASA ang isa pang bagyo na nasa Mariana islands pero hindi pa naman ito kinakikitaan na papasok sa bansa dahil masyado pa itong malayo.
Bunsod nito, makakaranas ng pag-uulan sa may silangang bahagi ng Luzon at Visayas at ang buong Mindanao at nalalabing bahagi ng bansa ay maulap ang kalangitan na may paminsan minsang pag-ulan laluna sa hapon o gabi.