'Jueteng, STL wars ang pagdawit kay Verzosa'
MANILA, Philippines - Isa umanong giyera o labanan sa pagitan ng Small Town Lottery (STL) operators at ng mga jueteng lords ang pagdadawit sa pangalan ni dating PNP Chief Jesus Verzosa sa expose sa jueteng payola.
“This whole circus is a war between jueteng lords and STL operators,” pahayag ni Atty. Benjamin delos Santos, Spokesman at legal counsel ni Verzosa.
Sa halip sinabi ni de los Santos na ang listahan na isinumite ni Cruz ay hindi legal na pruweba para patunayan ang nasabing jueteng payola dahil ang source nito na si Atong Ang ay sangkot sa jueteng na nagbabalatkayo sa STL upang pagtakpan ang illegal nitong operasyon.
Binigyang diin ni de los Santos, noon pang Hulyo 26 ay nagsumite na si Verzosa ng ‘holistic solution’ kay DILG Secretary Jesse Robredo at maging sa Kongreso noong Setyembre 26 upang tuldukan ang iligal na operasyon ng jueteng.
Naghihinala naman ang ilang mga heneral ng PNP na nais lamang harangin ang planong pagbibigay ng puwesto kay Verzosa ni P-Noy kaya idinadawit ito sa nasabing jueteng scam bilang black propaganda.
- Latest
- Trending