MANILA, Philippines - Magsasagawa ng oral argument ang Korte Suprema kaugnay sa impeachment complaint laban kay Ombudsman Merceditas Gutierrez.
Sinabi ni Supreme Court (SC) spokesman at Court Administrator Atty. Midas Marquez, itinakda ang oral argument sa September 30, 2010 dakong alas-2 ng hapon.
Kaugnay nito kayat inatasan ng SC ang Office of the Solicitor General (OSG) na maghain ng komento kaugnay sa nasabing usapin.
Nilinaw naman ni Marquez na nasa OSG na ang kapasyahan kung ang posisyon ng Mababang Kapulungan ng Kongreso o ng Ombudsman ang kanilang dedepensahan.
Itinuturing naman nito na isa sa prayoridad ng Korte ang usapin dahil batid ng mga Mahistrado na kailangan na agad desisyunan ang nasabing usapin.
Bukod dito wala din umano dapat ikabahala ang House Committee on Justice sa itinakda na 60-araw upang resolbahin ang isang impeachment complaint at habang umiiral umano ang status quo ante order ay mananatiling suspendido ang pagdinig.