^

Bansa

Impeachment vs Gutierrez idadaan sa oral argument

- Gemma Amargo-Garcia -

MANILA, Philippines - Magsasagawa ng oral argument ang Korte Suprema kaugnay sa impeachment complaint laban kay Ombudsman Merceditas Gutierrez.

Sinabi ni Supreme Court (SC) spokesman at Court Administrator Atty. Midas Marquez, itinakda ang oral argument sa September 30, 2010 dakong alas-2 ng hapon.

Kaugnay nito kayat inatasan ng SC ang Office of the Solicitor General (OSG) na maghain ng komento kaugnay sa nasabing usapin.

Nilinaw naman ni Marquez na nasa OSG na ang kapasyahan kung ang posisyon ng Mababang Kapulungan ng Kongreso o ng Ombudsman ang kanilang dedepensahan.

Itinuturing naman nito na isa sa prayoridad ng Korte ang usapin dahil batid ng mga Mahistrado na kailangan na agad desisyunan ang nasabing usapin.

Bukod dito wala din umano dapat ikabahala ang House Committee on Justice sa itinakda na 60-araw upang resolbahin ang isang impeachment complaint at habang umiiral umano ang status quo ante order ay mananatiling  suspendido ang pagdinig.

BUKOD

COURT ADMINISTRATOR ATTY

HOUSE COMMITTEE

ITINUTURING

KORTE SUPREMA

MABABANG KAPULUNGAN

MIDAS MARQUEZ

OFFICE OF THE SOLICITOR GENERAL

OMBUDSMAN MERCEDITAS GUTIERREZ

SUPREME COURT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with