Vergara bagong GSIS president

MANILA, Philippines - Nagtalaga na kahapon si Pangulong Benigno Aquino III bilang bagong president at general manager ng Government Service Insurance System (GSIS).

Ang itinalaga ni Pangulong Aquino bilang bagong president at general manager ng GSIS ay ang investment banker na si Robert Vergara. Si Vergara ang magiging kapalit ni Winston Garcia.

Inaasahan ni Aquino na matutugunan na ngayon ng bagong pamunuan ng GSIS ang mga hinaing ng may 1.2 milyong government workers.

Show comments