^

Bansa

Comelec binawi ang mga VIP bodyguards

- Gemma Amargo-Garcia -

MANILA, Philippines - Ipinag-utos kahapon ng Commission on Elections (Comelec) ang pagbawi sa lahat ng nakatalagang body guard sa mga pulitiko at VIP personnel kasabay ng pagpapatupad ng gun ban habang nalalapit ang barangay at Sangguniang Kabataang elections.

Sa ilalim ng Resolution 9028 ng Comelec en banc, ipinag-uutos din nito ang pag suspendi sa permit to carry ng lahat ng armas para sa epektibong pagpapatupad ng gun ban mula sa election period na September 25 hangang November 10, 2010.

“Except those constituting the normal security personnel complement of the incumbent President, Vice-President, Senate President, Speaker of the House of Representatives, Chief Justice of the Supreme Court, Secretary of National Defense, Secretary of Interior and Local Government, Chairman and Commissioners of the Comelec, Chief of Staff of the Armed Forces of the Philippines, and AFP Major Service Commanders, Director Generals of the PNP and senior officers and the members of the foreign diplomatic corps, all existing authority granting security personnel or bodyguards are hereby revoked at the start of the election period,” nakasaad sa kautusan.

Nilinaw naman ng Comelec na ang mga nagnanais na makakuha ng mga bodyguard ay maaring mag-apply  sa Comelec.

Nagbabala naman ang Comelec na kung sino ang lalabag sa gun ban ay maaring makulong ng mahigit sa isang taon at hindi naman lalagpas ng anim na taon at ang pag diskwalipika sa paghawak ng anumang public office samantalang sa mga dayuhan naman ay maaring ipa-deport pagkatapos ng kanilang prison term.

CHAIRMAN AND COMMISSIONERS OF THE COMELEC

CHIEF JUSTICE OF THE SUPREME COURT

CHIEF OF STAFF OF THE ARMED FORCES OF THE PHILIPPINES

COMELEC

DIRECTOR GENERALS

MAJOR SERVICE COMMANDERS

SANGGUNIANG KABATAANG

SECRETARY OF NATIONAL DEFENSE

SENATE PRESIDENT

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with