MANILA, Philippines - Umapela kahapon ang National Press Club (NPC) kaugnay ng plano ng gobyerno na sampahan ng kasong kriminal, sibil at administratibo ang ilang mediamen matapos na humantong sa trahedya ang hostage crisis sa Quirino grandstand noong Agosto 23.
Sa isang press statement , sinabi ni NPC President Jerry Yap, na dapat ikonsidera ni Pangulong Benigno Aquino at IIRC chair Justice Secretary Leila de Lima na ginagawa lamang ng mga brodkaster na sina Erwin Tulfo at Michael Rogas ang kanilang mga trabaho at hindi ang mga ito nakipagsabwatan sa hostage taker.
Sa 11 oras na hostage drama ay nasawi ang limang Hong Kong national, 3 Chinese Canadian at ang hostage taker na si dating Sr. Inspector Rolando Mendoza.
“It is also very clear that the journalists merely covered and reported the events as these transpired during the drama”, ani Yap sa isang press statement.
Kahapon ay inianunsyo ni Pangulong Aquino ang rekomendasyon ng IIRC kung saan kabilang sina Tulfo at Rogas sa inirekomendang kasuhan.