'One strike' policy vs jueteng
MANILA, Philippines - Palalakasin muli ng Philippine National Police (PNP) ang one strike policy o ang pagsibak sa mga Commander ng pulisya na mabibigo sa pagsugpo sa illegal number game partikular na ang pamamayagpag ng jueteng sa bansa.
Binalaan din ni PNP Chief Director General Raul Bacalzo na kabilang sa tatamaan ng ‘one strike policy’ o pagkakasibak ay ang mga Chief of Police, Provincial Director at maging ang mga Regional Director na mabibigo sa pagsugpo sa jueteng.
Alinsunod sa one strike policy, sinumang hepe ng pulisya na mahuhulian ng jueteng operations sa kanilang hurisdiksyon ay masisibak habang kapag tatlong beses nahulian ay tatamaan na ang mga Provincial Director at susunod naman ang Regional Director ng PNP.
Sinabi nito na magdedeploy ang PNP ng mga intelligence operatives at tracking team upang tutukan ang operasyon ng jueteng.
- Latest
- Trending