Erap, Ping at 5 pa kinasuhan sa US
MANILA, Philippines - Nagsampa ng panibagong kaso ang mga anak ng napaslang na publicist na si Salvador “Bubby” Dacer laban kina dating pangulong Joseph Estrada, Sen. Panfilo Lacson at limang iba pa kaugnay ng Dacer-Corbito double murder case.
Isinampa sa Amerika ang kasong sibil kung saan humihingi ng $20 milyon compensatory damage at $100 million punitive damages bilang danyos ang magkakapatid na sina Carina, Sabrina, Amparo at Emily Dacer kina Estrada, Lacson at limang akusado na sina dating BW president at chief executive Dante Tan; dating head at CEO ng PAGCOR Reynaldo Butch Tenorio; dating Police Sr. Supt. Michael Ray Aquino, dating Police Supt. Glenn Dumlao at dating Police Chief Insp. Vicente Arnado.
Hiniling ng mga Dacer bilang residente ng Amerika na magkaroon ng jury trial sa inihain nilang reklamo hinggil sa pang-aabuso sa karapatang pantao laban sa mga akusado na itinuturing na foreign citizens sa ilalim ng Alien Tort Claims and Torture Victim Protection Act.
Sa kanilang complaint, nagamit umano ng mga akusado ang kanilang kapangyarihan na paglabag sa international law of human rights at law of nations, kaugnay sa pagpatay sa kanilang ama.
- Latest
- Trending