^

Bansa

P10M halaga ng pekeng Casio nasamsam

-

MANILA, Philippines - Sinalakay ng mga operatiba ng National Bureau of Investigation (NBI) ang apat na bo­dega at dalawang retail store na inireklamong nagbebenta ng pekeng Casio calculators na tina­tayang nagka­ ka­ha­laga ng P10 milyon.

Ayon sa ulat, naka­kum­piska ng 20,000 pi­raso ng pekeng Casio elec­tronic at scientific calculators sa RB Abalos Electronics sa Maynila.

Isinagawa ang ope­ras­yon matapos magsu­mite ng reklamo sa NBI ang legal counsel ng Casio Computer Co., Ltd na MCP Law na nagkalat ang mga pekeng pro­dukto sa merkado. Dito na nagsagawa ng surveillance at test-buy ang mga tauhan ng NBI Intellectual Property Rights Division sa mga tindahan bago isinagawa ang pagsalakay.

Bitbit ang 12- search warrants mula kay Judge Antonio Eugenio Jr. ng Manila Regional Trial Court Branch 24 para sa trademark infringement at unfair competition laban sa anim na establisimyento.

Una nang sinalakay ng mga awtoridad ang ilang bodega sa Pasay City at lalawigan ng Rizal.

ABALOS ELECTRONICS

AYON

CASIO

CASIO COMPUTER CO

INTELLECTUAL PROPERTY RIGHTS DIVISION

JUDGE ANTONIO EUGENIO JR.

MANILA REGIONAL TRIAL COURT BRANCH

NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION

PASAY CITY

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with