^

Bansa

Water usage tax kinuwestiyon ni Enrile

- Butch M. Quejada -

MANILA, Philippines - Kinuwestiyon ni Senate President Juan Ponce Enrile ang isinusulong na ordinansa ng Lungsod ng Maynila na magpatupad ng water usage tax, ga­yundin ang paghingi sa pahintulot ng alkalde na maglaan ng lupa upang mas palawakin ang daungang sakop ng Port of Manila. Ang reak­syon ni Enrile ay kaugnay sa Draft Ordinance No. 7255 na inakda ni Manila Vice Mayor Isko Moreno.

Sa ordinansa, inaata­san ang lahat ng port operators dito na sumingil ng P5,000 kada araw sa lahat ng domestic at foreign vessels na dadaong sa katubi­gang sakop ng Maynila. Hindi palalabasin ang mga sasak­yang pandagat na nakada­ong hangga’t walang clearance ang mga ito na mag­papatunay na bayad sila sa water usage taxes.

Kung babasahin anya ang Ordinance No. 8107 o ang “Water Code of the City of Manila, may base­han ang ordinansang inakda ni Moreno.

Gayunman, ayon sa Presidential Decree 857 o ang inamiyendahang PD 505, ang Philippine Ports Authority­ (PPA) lamang ang may kapangyarihang kumontrol, mag-superbisa at magpatupad ng kaukulang regulasyon sa lahat ng daungan sa bansa, mapa-publiko o pribado.

Ani Enrile, kung papayagang ipatupad ang ordi­nansang ito, lahat ng lokalidad ay maaaring sumunod at posibleng magpataw pa ng mas mataas na water tax charges, sa layuning mapataas ang koleksyon sa buwis ng iba’t ibang munisipalidad sa bansa.

Nilinaw ng senador na ang nasabing lupa na hinihiling ng lungsod ng Maynila ay nasasailalim sa public land laws ng bansa at maaaring kunin ng estado kung kinakailangan. Nangangahulugan, wala alinman sa Public­ Estates Authority o sa Philippine Reclamation Authority, lalo na sa Lungsod ng Maynila ang pinapahin­tulutang umangkin sa nasabing lupain.

vuukle comment

ANI ENRILE

DRAFT ORDINANCE NO

ESTATES AUTHORITY

LUNGSOD

MAYNILA

ORDINANCE NO

PHILIPPINE PORTS AUTHORITY

PHILIPPINE RECLAMATION AUTHORITY

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with