10 katao mananagot sa Aug. 23 hostage
MANILA, Philippines - Nasa 10 katao ang irerekomenda ng Incident Investigation and Review Committee (IIRC) kay Pangulong Aquino na sampahan ng kaso kaugnay ng August 23 hostage crisis.
Ayon kay Justice Secretary Leila de Lima, chairman ng IIRC, halos 95 porsiyento na ng report ang natapos nila at hindi bababa sa 10 katao ang irerekomenda nilang accountable kabilang dito ang mga miyembro ng media, PNP at mayroon din ibang lokal na opisyal na anila’y mananagot sa palpak na hostage taking.
Isusumite ngayon ng IIRC kay Pangulong Aquino ang pormal na ulat sa resulta ng imbestigasyon.
- Latest
- Trending