^

Bansa

Upuan ng Gulf Air binaklas, Bahrain umalma

- Butch M. Quejada -

MANILA, Philippines - Nanggagalaiti umano sa galit ang pamahalaan ng Bahrain dahil sa gina­wang pagbaklas ng National Bureau of Investigation (NBI) sa upuan ng ero­plano ng Gulf Air na pinag­kakaupuan ni Alma Dag­dagan Estrelles, ang sina­sabing ina ng sanggol na iniwan sa kubeta ng ero­plano noong Setyembe 12.

Kahapon ay nagtungo sa NAIA ang NBI agents upang baklasin ang upuan ng Gulf Air para isailalim sa forensic examination upang mapagkumpara ang dugong naiwan sa upuan sa dugo ng bata.

Ito umano ang pagba­basehan ng mga awtori­dad kung ano ang kanilang susunod na hakbang ka­pag nagtugma ang dugo ni Estrelles at ng sanggol.

Ayon sa ilang opisyal ng Gulf Air sa Ninoy Aquino International Airport sa Terminal 1, hindi raw nagus­tuhan ng pamahalaan ng Bahrain ang ginawang pagtanggal ng mga NBI agents sa upuan ng eroplano dahil ito ay extension ng kanilang bansa.

“The NBI must be reminded that they are dealing with a sovereign country and Gulf Air is an extension of Bahrain’s territory and any parts of the airplane should not be taken away without our permission,” ayon sa isang opisyal ng Gulf Air sa NAIA.

Nabatid na hindi hu­ mingi ng pahintulot ang NBI agents nang pumasok sa loob ng eroplano ng Gulf Air at baklasin ang upuan.

Napag-alaman na mag­papadala ng official statement ang Gulf Air mula sa Bahrain.

AIR

ALMA DAG

AYON

BAHRAIN

ESTRELLES

GULF

GULF AIR

NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION

NINOY AQUINO INTERNATIONAL AIRPORT

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with