^

Bansa

TV executives iginisa sa hostage crisis

- Ni Malou Escudero -

MANILA, Philippines - Sumalang kahapon sa paggisa ng Senado ang mga executives ng tatlong TV station na live na nag-broadcast ng madugong hostage taking noong Agosto 23 sa Quirino Grandstand na ikinasawi ng 9 katao kabilang ang walong turista at ang hostage taker na si dating Capt. Rolando Mendoza.

Sinabi ni Sen. Joker Arroyo sa pagdinig ng Senate committees on public information and mass media at public services na masyadong naapektuhan ng nasabing live broadcast ang imahe at ekonomiya ng bansa sa international community dahil napanood sa halos lahat ng sulok ng mundo ang naganap na hostage-drama sa pamamagitan ng CNN at BBC.

Inamin ni Maria Ressa, Senior Vice President ng ABS-CBN News and Current Affairs na sa kanila nagmula ang live broadcast ng CNN dahil matagal nang nagpapalitan ng videos ang dalawang kompanya ng telebisyon.

Nagisa rin ng husto si Ressa dahil sa pag-amin nito na bukod sa trabaho niya sa ABS-CBN, nagba-balita rin ito para sa CNN at Wall Street Journal.

Sinabi pa ni Arroyo na taliwas sa print media, may limitasyon ang kapangyarihan ng broadcast media dahil may oversight power sa kanila ang Kongreso nang bigyan sila ng prangkisa.

Kinuwestiyon naman ni Senate President Juan Ponce Enrile ang pagka-makabayan ng mga miyembro ng media at kung mas mahalaga ba sa mga ito ang interes ng bansa o ang pagtupad ng kanilang trabaho.

Aminado naman ang mga executives ng telebisyon na kailangan nilang mag usap-usap upang magkaroon ng “self regulation” ang kanilang hanay tuwing may kahalintulad na insidente.

Humarap din sa joint hearing sina DJ Sta. Ana ng TV5; Grace Reyes, Susan Enriquez at Jessica Soho ng GMA7; Mike Rogas at Jake Maderazo kasama ang kanilang abogado na si dating Sen. Aquilino Pimentel ng RMN at Erwin Tulfo ng TV5.

vuukle comment

AQUILINO PIMENTEL

ERWIN TULFO

GRACE REYES

JAKE MADERAZO

JESSICA SOHO

JOKER ARROYO

MARIA RESSA

MIKE ROGAS

NEWS AND CURRENT AFFAIRS

QUIRINO GRANDSTAND

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with