Batas laban sa mga lasing na driver, giit
MANILA, Philippines - Nanawagan sa Kongreso ang transport groups ang full implementation ng pagbabawal sa pagmamaneho ng lasing o intoxicated ng anumang nakalalasing na inumin tulad ng alak.
Sinabi ni Orlando Marquez, presidente ng Liga ng Transportasyon at Opereytor sa Pilipinas (LTOP), napapanahon na para ipatupad ng Kongreso ang batas laban sa mga taong nagmamaneho ng lasing o nakainom upang madisiplina ang mga ito at maparusahan ng batas.
Kaugnay nito, sinabi ni Goerge San Mateo, secretary general ng Pagkakaisang Samahan ng Tsuper at Opereytor Nationwide (PISTON) na dapat agad ipatupad ang naturang hakbang dahil base sa mga data ng iba’t ibang ahensiya ng gobyerno isa ang pagmamaneho ng lasing ang dahilan ng ikinamamatay ng mga driver at mga inosenteng pasahero nito sa mga pribado at pampublikong sasakyan.
- Latest
- Trending