^

Bansa

Sanggol nakuha sa basurahan

- Nina Ludy Bermudo at Angie Dela Cruz -

MANILA, Philippines - Isa pang bagong silang na sanggol ang itinapon sa tambakan ng basura sa bahagi ng Sta. Cruz, May­nila, kahapon ng umaga at himalang na­iligtas sa ka­matayan sa kabila ng pag­kaka­balot sa isang plastic bag.

Kasunod ito sa pag­kakakuha sa isang la­laking sanggol na ba­gong pa­nganak sa CR ng Gulf Airlines, na naka­balot sa isang itim na plastic bag, bago pa lumapag sa Ninoy Aquino International Airport, kama­ kalawa ng umaga.

Bunsod umano ng ma­liliit na tinig ng pala­haw ng sanggol, isang Rolando dela Cruz, tricycle driver, na namama­sada ang sinu­bukan nitong hanapin ang iyak ng beybi at natun­ton ito sa loob ng isang pulang plastic bag na puno pa ng dugo at tinatayang kasi­silang pa lamang, da­kong alas-7:40 ng umaga, sa Felix Huertas at Cavite Sts., sa Sta. Cruz, Maynila.

Agad niya itong ipina­alam sa nakasasakop na barangay at pulisya bago dinala sa Chinese Ge­neral­ Hospital ang sanggol.

Kinumpirma naman sa Emergency Room ng na­sabing ospital na ligtas na sa panganib ang sanggol at kasalukuyan itong ino­obserbahan. Saman­tala, nasa kusto­diya na ngayon ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang 34 weeks na sanggol na natag­puan sa loob ng CR ng Gulf Air flight 154 na eroplano galing Bahrain.

Sinabi ni DSWD Secretary Dinky Soliman na ang sanggol na binigyan ng pangalang George Francis ay kakalingain muna ng ahensiya para sa kauku­lang disposis­yon dito.

Bagamat dumagsa anya ang nagnanais na umam­pon sa sanggol, hindi agad- agad ito maipa­aampon ng ahensiya at titiyakin muna ng DSWD kung maayos ang kalusu­gan nito bago maisailalim sa foster care.

Nagbigay din ng deadline si Secretary Soliman sa magulang nito ng hang­gang 3 buwan para kunin ang baby at kung walang katiyakan na kukunin nito ang baby ay saka sila mag­sasagawa ng kauku­lang dokumento para sa mga nagnanais umampon dito.

Sa ngayon ang sang­gol ay nasa East Avenue Medical Center para su­mailalim sa tinatawag na new-born screening.

CAVITE STS

CHINESE GE

CRUZ

DEPARTMENT OF SOCIAL WELFARE AND DEVELOPMENT

EAST AVENUE MEDICAL CENTER

EMERGENCY ROOM

FELIX HUERTAS

GEORGE FRANCIS

SANGGOL

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with