^

Bansa

2 opisyal na sabit sa jueteng papangalanan ni Cruz!

- Ni Mer Layson -

MANILA, Philippines - Tinanggap ni Linga­yen-Dagupan Archbishop Emeritus Oscar Cruz ang hamon ni Pangulong Noynoy Aquino na ibunyag kung sino ang dalawang opisyal ng administrasyon na umano’y sangkot at tumatanggap ng P2 milyon na buwanang payola mula sa jueteng.

Gayunman, sinabi ni Cruz na kinakailangan munang magkaharap sila ng “one-on-one” ni P-Noy at dito mismo niya papa­ngalanan ang dalawa.

Ayon pa kay Cruz, lumantad na siya ngayon upang ibunyag ang mga nalalaman sa jueteng dahil tila nadaragdagan na ang bilang ng mga opisyal ng pamahalaan na nasasangkot sa jueteng.

Ang unang opisyal aniya na kanyang tinutukoy ay dati ng sangkot sa iligal na gawain, habang ang ikalawa ay bago lang.

Hinamon naman umano ni P-Noy si Cruz na maglabas ng ebidensiya upang patunayan ang kanyang mga pahayag.

Anang Pangulo, kahit gaano kaliit na ebidensiya laban sa dalawa ay kaniyang agarang paiim­bestigahan.

Naninindigan naman ang arsobispo na ibubunyag lamang niya ito kung mangangako muna ang Pangulo sa kanya na iim­bestigahan ang kanyang mga ibubunyag na pa­ngalan.

Sa ngayon, sinabi ni Cruz na titingnan lang muna niya ang gaga­wing hakbang ni PNoy sa kanyang ibinigay na impormasyon at umaasang maibibigay ng Pangulo ang ipinangakong “landas na matuwid.”

Si Cruz ay dating pa­ngulo ng maimpluwensiyang Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) na kilala sa pagiging anti-gambling advocate at siya ring pinuno ng Krusadang Bayan Laban sa Jueteng.

ANANG PANGULO

CATHOLIC BISHOPS

CONFERENCE OF THE PHILIPPINES

CRUZ

DAGUPAN ARCHBISHOP EMERITUS OSCAR CRUZ

KRUSADANG BAYAN LABAN

P-NOY

PANGULO

PANGULONG NOYNOY AQUINO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with