Biyahe ng LRT babawasan ng 1 oras
MANILA, Philippines - Simula sa Setyembre 15, babawasan ng isang oras ng Light Rail Transit Authority (LRTA) ang operating schedules ng LRT 1 at 2 para maipatupad ang maintenance ng mga pasilidad nito.
Sa Miyerkoles, ang huling biyahe ng tren mula Baclaran station ay aalis ng 9:30 ng gabi habang ang tren mula Monumento ay aalis ng alas-10 ng gabi.
Ang huling tren naman mula Santolan puntang Marikina ay aalis ng alas-9:30 ng gabi at ang last trip mula Claro M. Recto Ave. sa Maynila ay alas-10 ng gabi.
Ayon sa LRTA, ang unang tren na papasada ay alas-5 ng umaga kung weekdays.
- Latest
- Trending