Aquino government walang budget sa septuagenarians
MANILA, Philippines - Kinuwestyon kahapon ng isang mambabatas ang kawalan ng budget ng Aquino government para sa mga septuagenarians.
Sinabi ni Camarines Norte Rep. Elmer Panotes, walang nakasaad sa P1.64 trilyong proposed 2011 budget ng Malacañang para sa mga senior citizens na may edad 70-79.
Ayon kay Rep. Panotes, naglaan lamang ang Aquino government ng P871 milyon para sa P500 monthly pension ng mga indigent senior citizens na may edad 80.
Aniya, ano ang masama sa pagiging septuagenarians at hindi ito bibigyan ng tulong ng gobyerno ni Pangulong Aquino sa susunod na taon gayung senior citizens din ang mga ito.
Bukod sa septuagenarians na tinatayang nasa 2 milyon, ayon kay Panotes, ay may 865,950 din na senior citizens na may edad 60-69 na nangangailangan din ng tulong ng gobyerno dahil wala naman silang mga trabaho at pinagkakakitaan.
- Latest
- Trending