^

Bansa

Suspek bawal ng iprisinta sa media

- Ni Ludy Bermudo -

MANILA, Philippines - Hindi na maaa­ring iprisinta sa media at ilathala sa mga pahayagan o ilabas sa telebisyon ang mga maaarestong suspek sa isang krimen o kaso.

Batay ito sa inilabas na circular ng Manila Police District na may petsang Setyembre 2, 2010, matapos ireklamo ng mga miyembro ng MPD Press Corps ang ginawang pagtatago ng hepe ng MPD-station 5 na si Supt. Frumencio Bernal at Senior Insp. Azur Villafranca sa impormasyon hinggil sa umano’y naganap na robbery-hostage sa bahay ng isang negosyanteng Filipino-Chinese sa Paco, Maynila nitong Huwebes.

Alinsunod sa guidelines na pirmado ni MPD-District Directorial Staff chief, P/Senior Supt. Robert Galec Po, maaring makapanayam ng media ang suspek su­balit hindi na maari pang iprisinta sa media ang mga madarakip na suspek, di tulad ng dati nang naka­gawian kung saan inihaharap sa media ang mga madarakip at nakukunan ng litrato at video.

“The presentation of the suspect to the media is not only violative of their constitutional rights of presumption of innocence but also to their human rights subjecting to unwanted publicity thereby besmirching their name and reputation including that of their family before guilty is proven,” saad ng 2-pahinang guidelines.

Samantala, nilinaw din ng MPD na hindi naman ipinagbabawal  ang pag­lalathala ng mga litrato o pagpapalabas sa mga telebisyon ng mga suspect kung sila ay ‘wanted’ o nakalalaya pa.

Sa oras na madakip na ang suspek, hindi rin maa­ring iprisinta sa media ‘in a firing line manner’ kung lalabagin nito ang Republic Act 9344 (Juvenile Justice and Welfare Act) kung  menor de edad  (treatment of Children in Conflict with the Law (CICL).

Hindi rin papapayagan ng MPD ang pamilya o kaanak ng biktima na atakehin o saktan ang suspect, batay sa police protocol, na nagsasabing maari silang makasuhan ng assault.

AZUR VILLAFRANCA

DISTRICT DIRECTORIAL STAFF

FRUMENCIO BERNAL

JUVENILE JUSTICE AND WELFARE ACT

MANILA POLICE DISTRICT

PRESS CORPS

REPUBLIC ACT

ROBERT GALEC PO

SENIOR INSP

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with