6 'Euro Generals' sinuspinde ng Ombudsman
MANILA, Philippines - Sinuspinde ng Ombudsman ng 6 na buwan ang anim na police officials na tinaguriang mga Euro Generals dahil sa umano’y maanomalyang biyahe nila sa Russia noong 2008.
Kinilala ang anim na sina Special disbursing Officer Samuel Rodriguez; Finance Service Director Orlando Pestano; Budget Division Director Tomas Rentoy III; Police Superintendent Elmer Pelobello; Directorate for Human Resources and Doctrine Development Director German Doria at Directorate for Operations Director Silverio Alarcio, Jr.
Bunsod ito ng kanilang kasong administratibo na grave misconduct, dishonesty at conduct prejudicial to the best interest of the service.
Kasama sa naturang kaso ang mga retiradong pulis na sina Avelino Razon gayundin sina Romeo Ricardo, Emmanuel Carta, Ismael Rafanan, Jaime Caringal at Eliseo dela Paz.
Nag-ugat ang kaso sa kanilang biyahe para dumalo sa 77th Interpol General Assembly sa St. Petersburgh sa Russia.
Dito nakumpiskahan si dela Paz ng libu-libong Euro na unang sinabing bahagi ng intelligence funds ng PNP pero lumabas sa imbestigasyon ng Ombudsman na ito ay personal money ng retiradong police.
- Latest
- Trending