^

Bansa

Statement ng survivors isusunod na ng IIRC

- Gemma Amargo-Garcia -

MANILA, Philippines - Sa Lunes na tatala­kayin ng DOJ-Incident Investigation and Review Committee ang statement na kinuha ng DOJ at NBI sa Hong Kong mula sa mga survivor na ayon kay Justice Sec. Leila de Lima ay napakahalaga.

Ayon kay de Lima, sisimulan nila ang internal session bukas hang­gang sa Lunes upang tala­kayin ang mga hindi nag­tug­mang resulta ng report ng National Bureau of Investigation at PNP-SOCO hinggil sa ginawa nilang imbestigasyon sa hostage incident.

Sinabi rin ni de Lima na sa ngayon ay nagdududa na sila na lahat ng mga bala na tumama sa bus ay hindi lang mula sa sniper batay na rin sa trajectory report ng NBI.

Inirekomenda rin ng kalihim ang pagkakaroon ng actual firing ng rifle upang magkaroon ng comparison, dahil nagdududa ang mga awtoridad sa statement ng bus driver na malapitang binaril ni Sr. Insp. Rolando Mendoza ang mga bihag. 

Pinag-aaralan naman ng IIRC kung biktima o kasabwat ng hostage taker na si Sr. Inspector Rolando Mendoza ang driver na si Alberto Lubang.

Pinag-uusapan na rin umano ng panel ang mental state ni Lubang dahil sa magkakaibang pahayag nito sa kanyang testi­monya tulad ng hindi niya narinig si Mendoza ng sabihin nito kung magkano ang hinihingi ng isang opis­yal ng Ombudsman, hindi nito naririnig ang iyakan ng mga biktima at ng makita nito na malapitang binaril ang mga hostages.

Naghahanap din uma­no ng kasagutan ang panel kung bakit ang Hong Thai bus ang pinili ni Mendoza na i-hostage at kung bakit pinayagan ni Lubang na makapanik ng bus ang hostage taker gayung may­roong itong dalang armas.

ALBERTO LUBANG

HONG KONG

HONG THAI

INCIDENT INVESTIGATION AND REVIEW COMMITTEE

JUSTICE SEC

LUBANG

MENDOZA

NATIONAL BUREAU OF INVESTIGATION

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with