MANILA, Philippines - Umapila ang mga maliliit na magmamanok sa bansa o backyard poultry raiser sa gobyerno partikular na kay Pangulong Aquino at Department of Agriculture (DA) na tingnan ang nagaganap ngayong monopolyo o cartel sa pagmamanok.
Sinabi ni Eddie Alambra, kumakatawan sa maliliit na magmamanok sa Central Luzon, ang “big 3” sa pagmamanok umano ang siyang nagdidikta ng presyo ng live weight sa merkado kung kaya unti-unti namamatay at nababaon sa utang ang mga maliit na nag-aalaga ng hayop.
Aniya, nakapagtataka na hindi naman gumagalaw ang presyo ng manok sa mga palengke o pamilihang bayan pero ang presyo ng live weight sa mga maliit na poultry farm ay bagsak na bagsak.
Hinihiling ng mga maliliit na magmamanok na magtakda ng “price ceiling” ang gobyerno na siyang kanilang magsisibing gabay at susundan sa pag-aalaga ng manok.