^

Bansa

Monopolyo sa manok

- Ni Mer Layson -

MANILA, Philippines - Umapila ang mga maliliit na magmamanok sa bansa o backyard poultry raiser sa gobyerno partikular na kay Pangulong Aquino at Department of Agriculture  (DA) na tingnan ang nagaganap ngayong monopolyo o cartel sa pagmamanok.

Sinabi ni Eddie Alambra, kumakatawan sa maliliit na magmamanok sa Central Luzon, ang “big 3” sa pagmamanok umano ang siyang nagdidikta ng presyo ng live weight sa merkado kung kaya unti-unti namamatay at nababaon sa utang ang mga maliit na nag-aalaga ng hayop.

Aniya, nakapagtataka na hindi naman gumagalaw ang presyo ng manok sa mga palengke o pamilihang bayan pero ang presyo ng live weight sa mga maliit na poultry farm ay  bagsak na bagsak.

Hinihiling ng mga maliliit na magmamanok na magtakda ng “price ceiling” ang gobyerno na siyang kanilang magsisibing gabay at susundan sa pag-aalaga ng manok. 

ANIYA

CENTRAL LUZON

DEPARTMENT OF AGRICULTURE

EDDIE ALAMBRA

HINIHILING

MAGMAMANOK

PANGULONG AQUINO

SINABI

UMAPILA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with