Retaliatory attacks ng Sayyaf hindi aabot sa Metro Manila

MANILA, Philippines - Tiniyak kahapon ng Philippine National Police (PNP) at Armed Forces of the Philippines (AFP) na hindi aabot sa Metro Manila ang ‘retaliatory attacks’ o resbak tulad ng mga pambobomba ng mga bandidong Abu Sayyaf Group. 

Ito’y kasunod ng pag­kakapatay sa isa sa mga lider ng Abu Sayyaf na si Gafur Jumdail, kapatid ni Abu Sayyaf Commander Gum­ba­hali Jumdail, alyas Doc Abu Pula at dalawa nitong tauhan sa engku­wentro ng Special Action Force (SAF) sa Ma­imbung, Sulu dakong alas-12 ng hatinggabi noong Sabado.

Ayon kay PNP Spokes­man Sr. Supt. Agrimero Cruz Jr., nasa normal alert lamang ang kapulisan sa Metro Manila hindi tulad sa Min­danao Region na inila­gay sa full alert status.  

Sa kabila nito, ayon kay Cruz, inutos din ni PNP chief Director General Jesus Verzosa na paigti­ngin ang segu­ridad sa Kamaynilaan, lalo na sa mga pangu­nahing insta­las­yon ng gobyerno at mga lugar na mara­ming mga tao.

Ilan sa dinoble ang segu­ridad ay ang mga pali­ paran, mga mass transport system at iba pang lugar.

Nagpalabas din uma­no ng direktiba ang Chief PNP sa mga Regional, Provincial Commanders at ma­ging sa mga hepe ng pu­lisya na mag-report sa kanya ng assesment da­lawang beses sa isang araw kung merong na­mo-mo­nitor na banta sa se­guri­dad ng taum­bayan.

Sa panig naman ni AFP Spokesman Brig. Gen. Jose Mabanta, mi­naliit nito ang posi­bilidad na umabot sa Metro Manila ang pag­hahasik ng karahasan ng mga ban­dido pero sa tuwina’y nakahanda ang tropa ng militar.

Idinagdag pa nga ­na may sapat na puwersa ang AFP- National Capital Region Command (AFP-NCR­COM) para tumugon sa mga banta ng terorismo sa Metro Manila.

Show comments