MANILA, Philippines - Ipagkakaloob ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) sa Enero ng susunod na taon ang P500 benepisyo ng mga elderly.
Ayon kay DSWD Secretary Dinky Soliman, ang pagbibigay ng ahensiya ng social pension sa mga piling senior citizen ay kasama sa proposed 2011 budget ng DSWD.
Niliwanag ni Sec. Soliman na ang naturang pension ay isa sa mga probisyon ng Republic Act 9994 o Expanded Senior Citizen Act of 2010 na layuning makatulong ang naturang pondo sa gastusin ng mga elderly sa bansa.
Bagamat maliit na halaga lamang anya ito, may malaking pakinabang din ito para makadagdag sa panggastos ng mga ito sa araw-araw na pangangailangan.
Prayoridad na bibiyayaan ng naturang pension ang mga mahihirap na senior citizen.