MANILA, Philippines - Ipatatawag ng panig ng prosekusyon si dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo at asawa nitong si Atty. Jose Miguel Arroyo bilang mga pangunahing saksi laban kay dating Social Security System President Romulo Neri kaugnay ng pagkakasangkot nito sa umanoy maanomalyang kontrata ng NBN-ZTE deal.
Ayon kay Assistant Special Prosecutor III John Turalba, isusubpoena nila si dating Pangulong Arroyo at asawa nito para mag-testify hinggil sa kinalaman ni Neri sa naturang anomalya.
Noong panahong iyon, si Neri ay director general ng National Economic and Development Authority (NEDA) mula 2006 hanggang 2007 , ang mga panahong ang kontrata sa ZTE deal ay naisumite sa NEDA para aprubahan.
Sinasabing si Neri ay may kinalaman umano sa pag overprice sa kontratang ito kasama ni dating Commission on Elections chairman Benjamin Abalos Jr.
SInasabing si Mrs. Arroyo ay maaari na ngayong busisiin ng batas sa kasong ito dahil noong Pangulo pa ito ng bansa, hindi ito nakasuhan dahil sa kanyang immunity mula sa mga kaso.