^

Bansa

GMA ipapatawag sa NBN-ZTE case bilang testigo

- Ni Angie dela Cruz -

MANILA, Philippines - Ipatatawag ng panig ng prosekusyon si dating Pangulong Gloria Macapagal-Arroyo at asawa nitong si  Atty.  Jose Miguel Arroyo bilang mga panguna­hing saksi laban kay dating  Social Security System President Romulo Neri kaugnay ng pagkakasangkot nito sa umanoy maanomalyang kontrata  ng NBN-ZTE deal.

Ayon kay Assistant Special Prosecutor III John Turalba, isusubpoena nila si dating Pangulong Arroyo at asawa nito para mag-testify hinggil sa kinalaman ni Neri sa naturang anomalya.

Noong panahong iyon, si Neri  ay  director general  ng  National Economic and Development Authority  (NEDA) mula 2006 hanggang  2007 , ang mga panahong ang kontrata sa ZTE deal ay naisumite sa NEDA para aprubahan.

Sinasabing si Neri  ay may kinalaman umano sa pag overprice sa kontratang ito kasama ni da­ting  Commission on Elections chairman Benjamin Abalos Jr.

SInasabing si Mrs. Arroyo ay maaari na nga­yong busisiin ng batas sa kasong ito dahil noong Pangulo pa ito ng bansa, hindi ito nakasuhan dahil sa kanyang immunity mula sa mga kaso.

vuukle comment

ASSISTANT SPECIAL PROSECUTOR

BENJAMIN ABALOS JR.

JOHN TURALBA

JOSE MIGUEL ARROYO

MRS. ARROYO

NATIONAL ECONOMIC AND DEVELOPMENT AUTHORITY

NERI

PANGULONG ARROYO

PANGULONG GLORIA MACAPAGAL-ARROYO

SOCIAL SECURITY SYSTEM PRESIDENT ROMULO NERI

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with