^

Bansa

Brokers, importers umaaray na

- Butch M. Quejada -

MANILA, Philippines - Umaalma na ang mga lehitimong Customs brokers at importers sa umano’y pangha-harass sa kanila ng isang alyas “Orbit” dahil sa laki ng hinihinging tara sa kanila upang malayang makalapag ang kanilang kargamento sa Aduana.

Ayon sa isang importer na ayaw magpabanggit ng pangalan, ipinagmamalaki diumano nitong si ‘Orbit’ na siya ang inatasan ng BoC-Inspection and Prosecution Division para mangharang sa lahat ng importasyon.

Ayon sa source, ‘modus operandi’ ni alyas ‘Orbit’ na salain lahat ng mga kargamentong darating at ang matipuhan ay kanilang bubusisiin upang ma-delay ang proseso, dahilan upang mapilitan makipag-usap ang importers at broker ng naturang shipments.

Malinaw anyang isang ‘fishing expedition’ ang ginagawa nito na kahit walang ‘authority’ mula sa Commissioner’s Office ay panay ang panghahalihaw.

Sinubukang kunan ng pahayag ang BoC-IPD hinggil sa naturang reklamo ng mga importers at brokers, subalit wala diumano ito sa kanyang opisina, ayon sa nagpakilalang empleyado sa naturang dibisyon.

Minsan na rin daw itong nasangkot sa pangre-raid ng ilang imported items sa mga malls kahit hindi umano ito saklaw ng batas ng Tariff and Customs Code of the Philippines.

AYON

INSPECTION AND PROSECUTION DIVISION

LSQUO

MALINAW

MINSAN

SINUBUKANG

TARIFF AND CUSTOMS CODE OF THE PHILIPPINES

UMAALMA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with