^

Bansa

BOC official inabswelto ng CA sa imoralidad

- Butch M. Quejada -

MANILA, Philippines - Binaligtad ng Court of Appeals (CA) ang nauna nitong desisyon hinggil sa immorality case na isinampa laban sa isang Customs official ng kaniyang dating asawa.

Sa walong pahinang desisyon, inabsuwelto ng CA 22nd Division si Subic Bay Freeport District Collector Atty. Marieta D. Zamoranos, kaugnay ng kasong “immorality” na iniharap laban sa kanya ng dating asawang si Iligan Customs Collector Samson Pacasum, Jr..

Kaugnay nito, binalewala na rin ng appellate court ang naunang kautusan nito na suspendihin ng anim na buwan hanggang isang taon si Zamoranos dahil sa umano’y paglabag sa batas nang pag-aasawa ng higit sa isang lalaki.

Ayon sa CA, ang naunang kasal ni Zamoranos kay Jesus de Guzman noong 1982, ay sa pagitan ng dalawang Filipino Muslims at alinsunod sa ilalim ng Code of Muslim Personal Laws ng bansa at nararapat na irespeto.

Napatunayan din umano ng CA na tama ang findings ng Civil Service Commission (CSC) na hindi guilty si Zamoranos sa “administrative charge of disgraceful and immoral conduct”.

Inamin pa ng CA na nagkamali ito sa nauna nitong desisyon na ipinalabas noong Pebrero matapos na magbigay ng umano’y “undeserved consideration” sa judicial admission ni Zamoranos sa rekord ng korte sa iba’t ibang kasong isinampa ni Pacasum na nagsasaad na siya ay isang Roman Catholic at ang kaniyang asawa lamang ang Muslim.

Pinasalamatan naman ni Zamoranos ang CA dahil sa mabilis nitong aksiyon sa kaniyang apela at muling nagpahayag ng kaniyang paniniwala sa sistema ng hudikatura ng bansa gayundin sa CSC.

AYON

CIVIL SERVICE COMMISSION

CODE OF MUSLIM PERSONAL LAWS

COURT OF APPEALS

FILIPINO MUSLIMS

ILIGAN CUSTOMS COLLECTOR SAMSON PACASUM

MARIETA D

ROMAN CATHOLIC

SUBIC BAY FREEPORT DISTRICT COLLECTOR ATTY

ZAMORANOS

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with