MANILA, Philippines - Itinakda ng Commission on Elections (Comelec) sa Setyembre 25 ang simula ng pagpapatupadng gun ban kasabay ng simula ng kampanya para sa Barangay at Sangguniang Kabataan (SK) elections.
Sa ilalim ng Comelec Resolution No. 9019 , mahigpit na ipinagbabawal ang pagdadala ng baril, pagsusuot ng uniform ng pulis o sundalo at paggamit ng insignias.
Ipinagbabawal din sa panahon ng eleksiyon ang pagpapalaya ng mga bilanggo, pagsasagawa ng rally at paglilipat ng mga empleyado o opisyal ng pamahalaan maging ang suspension ng mga provincial, city, municipal o barangay officer at ang pagdadala ng bodyguards miyembro man o hindi ng PNP o AFP.
Ang Barangay at SK elections ay isasagawa sa Oktubre 25 mula alas-7 ng umaga hanggang alas-3 ng hapon.