MANILA, Philippines - Sinampahan ng kasong smuggling ng Bureau of Customs (BOC) sa Department of Justice (DOJ) ang dalawang customs examiners at iba pang empleyado ng BOC dahil sa pagsasabwatan sa pag import ng bigas mula sa bansang Vietnam.
Kabilang sa mga sinampahan ng kasong paglabag sa Tariff and Customs Code at Revised Penal Code si Lamberto Ramos Espiritu may-ari at propritor ng Point Given Marketing, Customs broker Allahn Jay de Vera Gahon, Vicitacion Difontorum, principal customs examiner, Ma. Teresa Agabao, principal customs examiner, Margarita Santiago, customs examiner, Tala Cali at Glen Ollero, acting document processors pawang mga nakatalaga sa Formal Entry Division sa Port of Manila.
Sinabi ni Customs Commissioner Lito Alvarez, nagsabwatan ang Point Given Marketing at mga nabanggit na empleyado ng BOC upang dayain ang gobyerno ng halagang P183,632,625 sa kanilang duties and taxes.
Base sa record ng BOC,dumating mula sa bansang Vietnam ang inangkat na bigas ng Point Given kung saan lahat ng ito ay prinoseso at inilabas ng hindi nagbabayad ng duties and taxes sa Port of Manila.