5-days ultimatum ng LTO chief sa mga bus accident reports
MANILA, Philippines - Binigyan ng limang araw na deadline ni Land Transportation Office (LTO) Chief Virginia Torres ang regional at assistant regional directors ng LTO-Cordillera Administrative Region, Region 4- A, 4-B , Region 5, 7 at Region 9 para isumite sa kanya ng ginawang imbestigasyon sa mga bus accident na naganap sa kanilang area of responsibility.
Sa ilalim ng memorandum order, sinabi ni Torres na kailangang malaman agad ng kanyang tanggapan ang tugon ng mga ito sa kanyang utos na mabusisi ang mga bus accident na naganap sa kanilang mga nasasakupang lugar para malaman ang ugat ng aksidente , rehistro ba ang sasakyan at kung may motor vehicle inspection report ang sasakyan.
Nais din nitong malaman kung may updated na drivers license ang driver na sangkot sa aksidente, kung dumaan sa drug test ang driver at iulat ang rekomendasyon ng mga regional at assistant directors kung paano maiiwasan ang naturang mga aksidente sa lansangan.
Ang hakbang ay ginawa ni Torres bunsod na rin ng naganap na sunud-sunod na aksidente sa lansangan na kinasasangkutan ng mga pampasaherong bus na maraming bilang ng pasahero ang namamatay at nasusugatan.
Niliwanag din ni Torres na hindi lamang sa tuwing may aksidente ay naisasailalim nila sa road worthiness test ang mga sasakyang nasasangkot sa aksidente kundi ang lahat ng sasakyan bago irehistro ay dumadaan sa pagbusisi dito ng LTO Motor Vehicle Inspection Center.
- Latest
- Trending