^

Bansa

Retiradong sundalo nagbantang gagayahin si Mendoza

- Ni Malou Escudero -

MANILA, Philippines - Naalarma ang Senate Blue Ribbon Oversight Office Management o BROOM makaraang ma­katanggap ng isang tawag kamakalawa (Set­ yembre 1) mula sa isang retiradong sundalo na may matagal ng naisu­miteng reklamo at nag­banta na gagayahin nito ang nasawing hostage-taker na si Snr. Insp. Ro­lando Mendoza kapag hindi pa ito inaksyunan.

Kinilala ang tumawag na si retired T/Sgt. Char­mie Palencia na humi­hiling na mapasama sa kan­yang benepisyo sa military service ang kan­yang   broken service mula Pebrero 1988 hanggang 1994.

Dahil dito, agad na sumulat si BROOM Director- General Rodolfo Noel Quimbo kay Philippine Army Commanding   General Arturo Ortiz at kay Defense Undersec­ retary Pio Batino para ipabatid ang pagbabanta na ito ni Palencia.

Sinabi ni Quimbo na bagama’t madalang mag-follow up ng kaniyang reklamo sa tanggapan ng BROOM si Palancia, na­alarma sila ng magbanta na ito na gagayahin ang hostage taker na si Men­doza.

Ayon pa kay Quimbo sa tuwing tatawag si Pa­lencia sa kanilang tang­gapan para mag follow up sa kanyang reklamo ay nagbabanta ito na mag po-protesta sa Luneta at ka­makalawa nga ay na­nakot na ito na gagayahin ang ginawa ni Mendoza na nang-hostage.

BLUE RIBBON

DEFENSE UNDERSEC

MENDOZA

OFFICE MANAGEMENT

PALENCIA

PHILIPPINE ARMY COMMANDING

PIO BATINO

QUIMBO

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with