^

Bansa

DOJ hearing sa hostage crisis kasado na

- Gemma Amargo-Garcia -

MANILA, Philippines - Inilabas na ng Department of Justice-Incident Investigation Review Committee (DOJ-IIRC) ang listahan ng mga opisyal ng gob­ yerno at ilang perso­nalidad na iimbestigahan bukas kaugnay sa naga­nap na madugong hostage-taking noong Agosto 23.

Sinabi ni Justice Secretary Leila de Lima, ka­bilang sa isasalang sina DILG Undersecretary Rico Puno, PNP Chief Jesus Versoza, NCRPO Chief Leocadio San­tiago, dating Manila Police District chief Rodolfo Mag­tibay, Manila Mayor Alfredo Lim at Vice Mayor Isko Moreno.

Gayundin ang bus driver ng Hong Thai bus, ilang media personalities at ang babaeng sinasa­bing naghatid kay Sr. Insp. Rolando Mendoza sa Intramuros ilang oras bago maganap ang hostage-taking, mga negotiators kabilang dito si Supt. Orlando Yebra at iba pang police officers.

Giit din ng Kalihim, aapela siya sa mga na­banggit na dumating sa araw ng imbestigasyon at makipag-cooperate para lamang sa clari­ficatory questioning upang mag­bigay linaw kung ano ang tunay na pangyayari at kung bakit nauwi sa ma­dugo ang hostage-taking.

Nakipagpulong na rin kahapon si de Lima sa Committee secretariat kabilang din ang Napol­com secretariat upang hindi magkaroon ng “duplication of questions” at ang pagtatanong ng mga hindi na dapat itanong dahil ang gagawin la­mang nila ay clarificatory questioning ng hindi na rin masayang ang kani­lang oras at panahon.

Umapela na rin si de Lima sa mga local officials na iwasan muna ang pag­sasalita sa pub­liko kaug­nay sa nasa­bing kaso subalit nilinaw niya na hindi ito gag order­.

CHIEF JESUS VERSOZA

CHIEF LEOCADIO SAN

DEPARTMENT OF JUSTICE-INCIDENT INVESTIGATION REVIEW COMMITTEE

HONG THAI

JUSTICE SECRETARY LEILA

MANILA MAYOR ALFREDO LIM

MANILA POLICE DISTRICT

ORLANDO YEBRA

RODOLFO MAG

SHY

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with