^

Bansa

Oktubre 20 gagawing National Thank You Day

- Ni Malou Escudero -

MANILA, Philippines - Upang madama ng mga Filipino ang kahalagahan nang pagpapasalamat, isang panukalang batas ang isinusulong ngayon ni Senator Manny Villar na naglalayong gawing National Thank You Day ang ika-20 ng Oktubre, taun-taon.

Sa Senate Bill 1106 na inihain ni Sen. Villar, sinabi nito na base sa pag-aaral ng Reader’s Digest Canada Magazine kaugnay sa “common courtesies” o pagpapahalaga ng mga residente sa pagpapasalamat lumalabas na pang-22 ang Pilipinas.

Nangunguna sa “courteous cities list ang New York sa Amerika, Zurich sa Switzerland at Toronto sa Canda.

Ayon kay Villar, hindi dapat mawala sa mga Pinoy ang pagiging hospitable at pagpapahalaga sa mga nakagisnan ng kagandahang asal.

Naniniwala si Villar na hindi rin dapat mawala sa kultura ng mga Filipino ang pagpapahalaga sa pagpapasalamat.

Ayon pa kay Villar, mahalaga ring maituro sa mga kabataan ang kahalagahan nang pagpapasalamat upang maramdaman nila ang napakaraming biyayang tinatanggap sa araw-araw.

AMERIKA

AYON

CANDA

DIGEST CANADA MAGAZINE

NANGUNGUNA

NATIONAL THANK YOU DAY

NEW YORK

SA SENATE BILL

SENATOR MANNY VILLAR

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with