^

Bansa

Pulis bawal maki-angkas sa tourist bus

- Joy Cantos -

MANILA, Philippines - Matapos ang madugong hostage drama sa Quirino grandstand sa Maynila, ipinagbawal na kahapon ng Aklan Provincial Police Office (APPO) sa mga pulis ang maki-hitch ride sa mga tourist bus mula sa kapitolyo ng Kalibo patungong Caticlan Jerry Port na siyang daan patungong Boracay Islands.

Ang direktiba ay ipinalabas ni APPO Director Sr. Supt. Efipanio Bragais kung saan ipinarating na rin niya ang mensahe sa mga bus operators na huwag payagan ang mga pulis na nakiki-angkas sa mga tourist bus.

Ito’y kasunod ng isinagawang pangho-hostage ng nadismis na si dating Sr. Inspector Rolando Mendoza sa Hong Thai Travel bus kung saan walong turista ang napatay, gayundin ang hostage-taker noong Agosto 23.

Nabatid na nakagawian na ng mga pulis para makatipid ang maki-hitch ride lalo na sa mga tourist bus pero dahil sa pangho-hostage ni Mendoza ay lumikha ito ng negatibong epekto kung saan may mga dayuhang turista na natatakot at galit sa presensya ng mga pulis lalo na ang mga nakikisimpatiya sa sinapit ng mga nasawing biktima.

Samantala pinayuhan rin ng opisyal ang mga tourist bus na huwag mami-mickup ng mga sasakay sa daan lalo na at mga turista ang lulan ng behikulo para matiyak ang kaligtasan ng mga ito at mabilis ang mga itong makarating sa mga lugar na kanilang destinasyon sa lalawigan.

Inihayag pa ng opisyal na tanging sa mga checkpoints lamang maaring huminto ang mga bus.

AGOSTO

AKLAN PROVINCIAL POLICE OFFICE

BORACAY ISLANDS

BUS

CATICLAN JERRY PORT

DIRECTOR SR. SUPT

EFIPANIO BRAGAIS

HONG THAI TRAVEL

SR. INSPECTOR ROLANDO MENDOZA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with