MANILA, Philippines - Siniguro kahapon ni Pangulong Aquino na isang mataas na opisyal ng Department of Interior and Local Government (DILG) at National Police Commission (Napolcom) ang posibleng patawan ng disciplinary action kaugnay sa naganap na hostage crisis noong nakaraang linggo.
Sinabi ni Pangulong Aquino sa Palace reporters kahapon, mananagot ang nasabing DILG at Napolcom official na ito dahil sa kanyang kapalpakan na gampanan ang kanyang tungkulin sa kasagsagan ng hostage incident.
Kaagad namang inabswelto ni Pangulong Aquino si DILG Sec. Jess Robredo kaugnay sa hostage crisis dahil maraming problemang kinakaharap ang DILG chief tulad ng dengue at mga iskwater.
Tumangging pangalanan ni P-Noy kung sino ang mataas na opisyal ng DILG at Napolcom na posibleng patawan ng disciplinary action subalit inamin nitong may pananagutan si DILG Undersecretary Rico Puno at may dapat ipaliwanag kaugnay sa nasabing hostage crisis.