^

Bansa

Mga kawani ng MWSS, 37 months ang bonus

- Ni Malou Escudero -

MANILA, Philippines - Sa kabila nang ma­laking pagkalugi ng Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS), natuklasan kahapon sa pagdinig ng Senado na tumatanggap ng hanggang 37 months pay taun-taon ang mga opisyal at empleyado ng nasabing ahensiya.

Sa pagpapatuloy kahapon ng imbestigasyon ng Senate committees on finance at government corporations, inamin ni MWSS officer-in-charge Macra Cruz na bukod sa 12 buwang suweldo sa isang taon, may 25 buwang halaga ng bonuses ang natatanggap ng kanilang mga opisyal.

Kinumpirma rin ni Cruz na umabot sa P3.5 bilyon ang nalugi sa ahensiya noong 2008 samantalang P399 milyon noong 2009 dahil umano sa “fluctuation” ng foreign currency.

Nang tanungin ni Sen. Franklin Drilon si Cruz kung totoong 19 months ang halaga ng mga bonuses ng mga opisyal at empleyado ng MWSS, sinabi ni Cruz na mas mataas pa doon ang kanilang natatanggap dahil umaabot ito ng 25 months na bonus.

“You were paid 25 months and 12 months’ basic (salary). That’s a total of 37 months in a year,” sabi ni Drilon.

Kabilang sa mga bonuses ng mga opisyal at kawani ng MWSS ay ang mga sumusunod: anniversary bonus, midyear financial bonus, yearend financial assistance, productivity bonus, performance bonus, GOCC incentive bonus, educational assistance bonus, efficiency incentive benefits, performance enhancement incentives, corporate Christmas package, traditional Christmas bonus, calamity financial assistance, annual Christmas bonus, scholarship allowances at family week allowance.

Nauna rito, kinuwestiyon ni Drilon ang board chairman ng  MWSS na si Oscar Garcia dahil sa pagtanggap ng P5.4 milyon sa pagdalo sa 47 meetings noong 2009.

Hindi humahawak ng anumang executive position sa ahensiya si Garcia kundi chairman lamang ng board at tumatanggap ng P14,000 per diem sa bawat  meeting.

BONUS

CRUZ

DRILON

GARCIA

KABILANG

MACRA CRUZ

METROPOLITAN WATERWORKS AND SEWERAGE SYSTEM

OSCAR GARCIA

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with