MANILA, Philippines - Umaabot na sa kabuuang 31-katao ang naging biktima ng extra judicial killing ng mga rebeldeng New People’s Army (NPA) sa Bicol Region ngayong 2010.
Ito ang inihayag kahapon ni Army’s 9th Infantry Division spokesman Major Harold Cabunoc. Nangunguna ang mga sibilyan sa naitalang 18 biktima, 8 sa Cafgu, apat sa Philippine Army at 1 naman sa PNP.
Pinakahuling naitalang biktima ng extra-judicial killing ay ang 60-anyos na informer na si Joaquin Candea ng Brgy. Cogon, Sorsogon na pinagbabaril sa Brgy. Sabang sa bayan ng Bulusan.
Kaugnay nito, inaasan naman ni 9th ID Commander Major Gen. Ruperto Pabustan ang lahat ng mga sundalo na maging vigilante laban sa NPA attack.