^

Bansa

Nahulog na bus sa Quezon sinuspinde ang prangkisa

- Ni Angie dela Cruz -

MANILA, Philippines - Sinuspinde kahapon ng  Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ng 30-araw ang prangkisa ng  bus na nasangkot sa aksidente sa Pagbilao Quezon na ikinasawi ng 5 pasahero at malubhang ikinasugat ng 52 iba pa.

Ayon kay LTFRB chairman  Dante Lantin , magsa­sagawa ng masusing pagbusisi ang ahensiya laban sa  CUL Bus Transport na nasangkot sa naturang aksidente upang malaman ang mga pananagutan nito kaugnay ng naganap na aksidente.

Ngayon magsisimula ang suspension order ng naturang  bus company  at igagawad din dito ang subpoena upang magtungo sa ahensiya ang may-ari nito para sa pagdinig kaugnay ng aksidente.

Inaasahan ng LTFRB na haharap sa kanilang ahensiya ang operator ng naturang bus company para maibigay ang panig nito kung bakit hindi dapat tulu­yang i-revoked ang franchise nito.

Sa inisyal na imbestigasyon ng local traffic investigator sa kasong ito, sinasabing posibleng nawalan ng preno ang bus kaya ito na-hulog sa tulay ng Pagbilao, Quezon.

AYON

BUS TRANSPORT

DANTE LANTIN

INAASAHAN

LAND TRANSPORTATION FRANCHISING AND REGULATORY BOARD

NGAYON

PAGBILAO

PAGBILAO QUEZON

QUEZON

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with