^

Bansa

SSS executives pinakakasuhan ng Senado

- Ni Malou Escudero -

MANILA, Philippines - Inirekomenda ng Senado ang pagsasampa ng kaso laban sa mga executives ng Social Security System (SSS) na hindi magbabalik ng kanilang kinita bilang kinatawan ng ahensiya sa mga investments nito sa pribadong kumpanya.

Sinabi ni  Sen. Franklin Drilon na  posibleng irekomenda ng Finance Committee ng Senado sa ilalabas nilang report ang pagsasampa ng kasong  graft at malversation of public funds laban sa  mga opisyal ng SSS tulad ni dating President Romulo Neri, Chairman Thelmo Cunanan at iba pa.

“Sigurado pong may mananagot sa mga opis­yal ng SSS dahil sa pinagsasaan nila ang pera ng taumbayan,” ani  Drilon, chairman ng komite.

Nais din ni Drilon na pag-aralan ng Office of the Ombudsman  kung puwede ring  kasuhan ng kasong kriminal ang mga opisyal ng iba pang mga Government Owned and Controlled Corporations (GOCCs) at Government Financial Institutions (GFIs) na tumatanggap ng maluluhong suwedo, bonuses at allowances.

Matatandaan na sini­mulan na ng Finance Committee ang imbestigasyon laban sa mga opisyal ng mga GOCCs na tumatanggap ng mala­laking suweldo kabilang  ang Clark Development Corporation (CDC), Metropolitan Waterworks and Sewerage System (MWSS), Government Service and Insurance System (GSIS), Subic Bay Metropolitan Autho­rity (SBMA),, at iba pang GOCCs at GFIs.

Ipagpapatuloy bukas ng Senado ang imbestigasyon sa magarbong sahod at benepisyo ng mga opisyal ng Philippine Amusement and Gaming Corporation (Pagcor) at Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO).

Maging ang mga  opisyal ng Land Bank of the Philippines (LBP), mga energy at power corporations ng gobyerno ay pinadadalo sa hearing.

vuukle comment

CHAIRMAN THELMO CUNANAN

CLARK DEVELOPMENT CORPORATION

DRILON

FINANCE COMMITTEE

GOVERNMENT FINANCIAL INSTITUTIONS

GOVERNMENT OWNED AND CONTROLLED CORPORATIONS

GOVERNMENT SERVICE AND INSURANCE SYSTEM

SENADO

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with