Solon may payo kay P-Noy

MANILA, Philippines - Umapela si Negros Occidental Rep. Ignacio Arroyo kay Pangulong Aquino na maging maingat sa kanyang pagtugon sa mga delikadong isyu partikular na sa naganap na ma­ dugong hostage drama.

Ayon kay Rep. Arroyo, maging siya ay napuna matapos mapanood sa telebisyon ang pagngiti ng Pangulo nang magtungo ito sa crime scene mata­pos ang hostage na ikina­irita ng Chinese government.

Pinaalalahanan ni Arroyo na hindi dapat ngingiti ang isang tao kapag pinag-uusapan ang pagpatay sa walong sibilyan lalo pa kung bibisita sa lugar na kinamatayan.

Sinagot na rin ka­makailan ni Aquino na ang kanyang pagngiti ay ba­hagi lang ng kanyang facial expression at sina­bing hindi siya natutuwa sa nangyari.

Pinuna rin ni Arroyo ang umano’y pagtanggi ni Aquino na kausapin si Hong Kong Chief Executive Donald Tsang sa kainitan ng hostage crisis na ayon sa Palasyo ay hindi nila alam na tumatawag si Tsang.

Dahil sa hostage crisis ay nasa mahigit P5 milyon na umano ang nawawa­lang kita mula sa mga turistang taga-Hong Kong na nagkansela ng kanilang mga bakasyon sa Pili­pinas.

Show comments