^

Bansa

'Think tank' tutol buwagin ang NFA

- Butch M. Quejada -

MANILA, Philippines - Tinututulan ng bagong “think tank” group ang pagbuwag sa National Food Authority at sa halip, naghayag sila ng mga ideya para gawin ang ahensya na economically viable habang ginagampanan nito ang pangunahing tungkulin na makamit ang seguridad sa pagkain at matatag na suplay at mababang presyo ng bigas para sa kapakanan ng mahihirap na mamimili. 

Ayon sa Forensic Law and Policy Strategies Inc. (Forensic Solutions) na pinamumunuan ni dating Justice Secretary Alberto Agra, ang NFA ay maaaring gumamit ng iba’t ibang hakbang upang mapalitan nito ang imahe ng kumpanyang nalulugi bilang kumikitang ahensya gaya ng pagpapatakbo ng grains exchange market at mamuhunan sa financial instruments.

Sinabi pa ng Forensic Solutions na ang NFA ay kayang suportahan ang mga pangunahing programa ni Pangulong Benigno Aquino sa pakikipagtulungan sa mga pribadong grupo para sa farm production o maging sa paghawak sa pag-import ng bigas.

Sinabi ni Agra na hindi solusyon sa napipintong krisis sa pagkain ang pagbuwag sa NFA.

“Ang pag-abolish sa NFA ay isang non-responsive solution to the impending food crisis. Hindi ito maka­katulong sa kakulangan sa bigas, at lalong magiging pahirap sa mga ordinaryong Pilipino na umaasa lamang sa bine­bentang murang bigas ng ahensya,” ani Agra.

AGRA

AYON

FORENSIC LAW AND POLICY STRATEGIES INC

FORENSIC SOLUTIONS

JUSTICE SECRETARY ALBERTO AGRA

NATIONAL FOOD AUTHORITY

PANGULONG BENIGNO AQUINO

PILIPINO

SINABI

TINUTUTULAN

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with